PCO, walang nationwide class suspension ngayong araw, October 5

Walang ipinatutupad na nationwide suspension ng klase ngayong Lunes, Oktubre 5, kasabay ng ng pagdiriwang ng National Teachers’ Day.

Taliwas ito sa kumakalat na pekeng anunsyo sa social media.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), hindi naglabas ng anumang abiso kaugnay ng suspensyon ng klase sa buong bansa.

Pinayuhan ng PCO ang publiko na huwag magpakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon at umasa lamang sa mga opisyal na anunsyo ng pamahalaan.

Gayunman, suspendido ang face-to-face classes sa ilang lugar ngayong araw bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Teachers’ Day.

Facebook Comments