Pagdalo ni VP Sara sa preliminary investigation ng reklamong grave threats, inaantabayanan

Umaasa si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na dadalo ngayong araw si Vice President Sara Duterte sa paunang imbestigasyon kaugnay sa reklamong isinampa sa kaniya ng National Bureau of Investigation (NBI).

Partikular ito sa kaniyang naging banta noon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos, at House Speaker Martin Romualdez na ipapapatay niya sakaling may mangyaring masama sa kaniya.

Ayon kay Remulla, umaasa siyang dadalo ang pangalawang pangulo lalo na’t bahagi ito ng kaniyang karapatan.

Sa kabila niyan, hindi required na dumalo mismo si VP Sara at maaaring ang kinatawan na lamang niya ang humarap sa preliminary investigation.

Una nang sinabi ni Remulla na maaaring magsagawa ng security inspection ang mga tauhan ng Office of the Vice President (OVP) sa DOJ compound para matiyak ang seguridad ni Duterte.

Mamayang hapon mag-uumpisa ang PI.

Facebook Comments