Paggamit ng Moderna COVID-19 vaccine sa bansa, walang dahilan para suspindehin

Nanindigan ang Food and Drug Administration na walang dahilan para suspendihin ang paggamit ng Moderna COVID-19 vaccines sa bansa.

Ito ay matapos madiskubre ang black substance sa ilang vial ng Moderna vaccines sa Japan at pink substance sa ilan namang vaccine syringe.

Ayon kay Food and Drug Administration director general Eric Domingo, ang nasabing bakuna sa Japan ay ginawa lamang exclusively para sa kanilang bansa.


Aniya, hindi ito katulad ng bakuna na natatanggap ng Pilipinas.

Giit pa ni Domingo, mariing sinuri ng mga vaccinators sa bansa ang mga vials at syringe bago ito ibigay sa publiko.

Facebook Comments