Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at First Lady Liza Araneta-Marcos ang pagtanggap at pagbabasbas sa Pilgrim Image ng Our Lady of Guadalupe sa Malacañang.

Hudyat ito ng pagsisimula ng Philippine Pilgrimage 2026 at pakikiisa ng bansa sa pandaigdigang paghahanda para sa ika-500 anibersaryo ng mga aparisyon ng Our Lady of Guadalupe sa 2031.

Ang imahen ay eksaktong replika ng orihinal na larawan na nasa Basilica of Our Lady of Guadalupe sa Mexico.

Sa susunod na anim na buwan, iikutin ng pilgrim image ang iba’t ibang bahagi ng bansa at bibisita sa mahigit 40 katedral at dambana bilang bahagi ng paglalakbay ng pananampalataya.

Matapos ang pilgrimage, mananatili ang imahen sa Manila Cathedral bilang permanenteng tahanan nito sa Pilipinas.

Facebook Comments