Paggamit ng space technology, palalakasin ng Pilipinas

Palalakasin ng Pilipinas ang paggamit ng space technology upang makatulong sa pagprotekta at pagpapabuti ng buhay ng mga Pilipino.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., makikipagtulungan ang Philippine Space Agency (PhilSA) sa Japan Aerospace Exploration Agency (JAXA) para epektibong magamit ng bansa ang space science.

Sa pamamagitan aniya ng satellites ay mas mabilis na matutukoy ang mga bagyo at agad na makatutugon sa mga kalamidad.

Matutulungan din nito ang mga magsasaka na makapagplano ng mas maaga, gayundin ang pagtiyak sa kaligtasan ng mga komunidad.

Ang JAXA ay matagal nang katuwang ng Pilipinas sa space science, teknolohiya, at application programs sa pamamagitan ng Department of Science and Technology (DOST).

Kabilang dito ang matagumpay na pagbuo at pagpapalipad ng mga microsatellite ng Pilipinas tulad ng DIWATA-1 at DIWATA-2, gayundin ang mga nanosatellite na MAYA-1 at MAYA-2, na nilikha sa pakikipagtulungan sa mga unibersidad sa Japan.

Facebook Comments