PNP Chief Torre, humingi ng feedback sa bagong set ng uniporme ng mga pulis

Hinikayat ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III ang mga pulis sa Camp Crame at iba pang unit na magbigay ng kanilang opinyon sa kasalukuyang General Office Attire-C na ginagamit ngayon bilang opisyal na uniporme.

Ayon kay Torre, mahalagang malaman kung komportable at praktikal ba ang bagong setup ng uniporme para sa araw-araw na trabaho ng mga pulis.

Inatasan din ni Torre ang Directorate for Research and Development na magsagawa ng survey para dito.

Samantala, isa rin sa binigyang-diin ng PNP Chief ay ang patakaran ukol sa ballpen sa uniporme.

Aniya, dati ay hinihikayat ang lahat na laging may dalang panulat ngunit hindi ito pinapayagang ilagay sa mismong ballpen slots ng naturang uniporme, ngunit iminungkahi ni Torre na gawin na lamang itong bahagi ng “personal touch” katulad ng simpleng relong isinusuot, basta’t ito’y minimalist at may silbi.

Facebook Comments