Paghahayag ng kwento laban kay PBBM, dapat itigil kung walang ebidensya

PHOTO: CongressTV

Hinamon nayon ni House Speaker Martin Romualdez sina Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at anak na si Davao City Mayor Sebastian Duterte na maglabas ng ebidensya ukol sa kanilang alegasyon laban kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos.

Pahayag ito ni Romualdez, kasunod ng pahayag ng dating pangulo na nasa narco-list umano ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si Pangulong Marcos Jr., na pinagbibitiw naman ni Mayor Baste.

Giit ni Romualdez, dapat itigil na ng mag-amang Duterte ang mga walang pruwebang budul-budol na kwento laban sa pangulo na nagtatrabaho nang maigi para sa ikagaganda ng buhay ng mamamayang Pilipino.


Para kay Romuldez, masyadong maaaga ang hangarin na pabagsakin ang administrasyon ni PBBM.

Facebook Comments