
Nilagdaan ng Department of the Interior and Local Government o DILG at Council for the Welfare of Children o CWC, ang isang Memorandum of Understanding para sa mga batang humihingi ng agarang tulong.
Layon nito na mapabilis ang pagko-coordinate at pagpa-facilitate sa mga referrals para sa pagbibigay ng child protection cases na nangangailangan ng agarang pansin ng pulis at bombero, medical at rescue personnel, social welfare, at iba pa, gamit ang Unified 911 at MAKABATA Helpline 1383.
Kabilang dito ang mga ulat sa Unified 911 na may kinalaman sa Online Sexual Abuse and Exploitation of Children, Child Sexual Abuse and Exploitation Materials, at iba pang online at digital safety concerns.
Sa ilalaim ng kasunduan, ire-refer ng Unified 911 sa CWC ang mga ulat na may kaugnayan sa nasabing mga kaso, habang ang CWC naman ang magkakasa ng pagsusuri at maglalakad ng mga kinakailangang tulong sa awtoeidad, gaya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), local social welfare offices, Barangay Councils for the Protection of Children (BCPC), at Philippine National Police — Women and Children Protection Desks (PNP-WCPD).
Matatandaang nakatanggap ng 450 na tawag ang Unified 911 noong Sityembre, kaugnay ng mga ulat ng pang-aabuso, sexual harassment, maltreatment, panggagahasa, human trafficking at prostitution ng mga bata.










