Friday, October 2, 2026

Malacañang, binigyang katwiran ang pagpapaliban sa BSKE

Iginiit ng Malacañang na may batayan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE na isinabatas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, marahil sa paningin ng pangulo at mga mambabatas ay nararapat ang pagpapaliba ng halalan kaya pinirmahan ang batas.

Kaugnay ito ng alegasyon ni election lawyer Atty. Romulo Macalintal na nalalabag ang karapatan ng publiko sa muling pagpapaliban ng halalan.

Kabilang ang Malacañang, Commission on Elections (COMELEC) at Kongreso sa mga inatasan ng Supreme Court na magkomento sa petisyon.

Gayunman, sinabi ni Castro na Office of the Solicitor General o OSG ang sasagot at kakatawan sa pamahalaan sa usapin.

Sa ngayon, hinihintay pa ng OSG ang kopya ng petisyon at utos ng Korte Suprema. Handa naman itong humarap sa korte at ipaliwanag ang posisyon ng pamahalaan.

Facebook Comments