
Hinamon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla si dating House Speaker Lord Allan Velasco at ang asawa nito na umuwi ng bansa at magpa-polygraph test din kagaya ng ginawa sa dismissed na pulis na si Rodulfo Gracioso Jr., na nauna nang kinumpirma na naging security detail nito.
Ayon kay Remulla, ito ay para malaman kung sino ang nagsasabi sa kanila ng totoo.
Sinabi naman ni Remulla na nasa Japan ngayon ang mag-asawa na isang buwan nang wala sa bansa.
Nabatid na si Gracioso ang nagbunyag na nag-deliver umano siya ng male-maletang pera kina Vice President Sara Duterte, dating Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City 1st District Representative Paolo Duterte.
Nilinaw naman ni Remulla na hindi tinatanggap sa korte ang lie detector test.










