Tuesday, October 6, 2026

PBBM, pangarap na maging scientist kung hindi naging pulitiko

Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pangarap niyang maging scientist noong bata, bago siya tuluyang napunta sa public service.

Sa isang podcast interview kasama si Gary Valenciano, sinabi ng pangulo na naging interesado siya sa mathematics at science habang nag-aaral, kaya naisip niyang tahakin ang larangan ng siyensya.

Nais aniya ng pangulo na magtrabaho sa laboratoryo, magsagawa ng research at magpatuloy sa pag-aaral, kabilang ang posibilidad na magturo.

Ayon kay Marcos, hindi niya noon nakikitang papasok siya sa politika dahil nasaksihan niya ang hirap at mga sakripisyong kaakibat ng public service ng kanyang mga magulang.

Kaya noong bata pa, naisip niyang pumili ng ibang propesyon, hanggang sa kalaunan ay napunta rin siya sa public service.

Facebook Comments