Pagkakaisa at pagtutulungan, panawagan ng liderato ng Kamara ngayong buwan ng Ramadan

Mainit at taos-pusong pagbati ang mensahe ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mga kapatid nating Muslim sa buong bansa ngayong banal na buwan ng Ramadan.

Hinggil dito ay nananawagan si Romualdez ng pagkakaisa at malasakit o pagtutulungan kasabay ng taimtim na pagninilay, panalangin, at pagtitimpi o disiplina ng pag-aayuno.

Kaugnay nito ay hinikayat din ni Romualdez ang lahat ng Pilipino na gawing pagkakataon ang Ramadan upang magbuklod at pagtibayin ang kanilang pinagsasaluhang pagpapahalaga sa kapayapaan, katarungan, at pananampalataya.

Binigyang-diin ni Romualdez na sa panahong may mga hamon sa pagkakaisa ng bansa, ay mahalagang maisulong ang kapayapaan at pagkakasundo, na pinaghuhugutan inspirasyon mula sa paninindigan ng komunidad ng mga Muslim.

Facebook Comments