Tuesday, July 21, 2026

House prosecution panel, buo ang pag-asa na pagbibigyan ng Impeachment Court ang hiling na ipa-subpoena ang tax at bank records ni VP Duterte

Umaasa ang House prosecution panel na pagbibigyan ng Impeachment Court ang kanilang hiling na ipa-subpoena ang bank at tax records ni Vice President Sara Duterte.

Sinabi ito ni House prosecution legal spokesperson Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr. sa harap ng gagawing pagpapasya ng impeachment court ngayong hapon.

Ang nabanggit na usapin ay naging subject ng oral arguments sa pagitan ng depensa at prosekusyon noong Miyerkules.

Diin ni Tolosa, batay sa mga umiiral na batas at jurisprudence ay hindi saklaw ng bank secrecy rules ang impeachment kaya maari nilang buksan at busisiin dito ang tax at bank records ni VP Sara.

Ayon kay Tolosa, ang nabanggit na mga dokumento ay bahagi ng mga ebidensya para sa Article II ng Articles of Impeaachment patungkol sa pagkakaroon umano ni VP Sara ng hindi maipaliwanag na yaman na hindi niya idineklara sa kanyang Statement of Assests, Liabilities and Networth o SALN.

Facebook Comments