Pagkamatay ng tone-toneladang isda sa ilog sa Masantol, Pampanga- ikinabahala ng mga residente

Pampanga, Philippines – Nangangamba ang mga residente sa Masantol, Pampanga matapos mamatay ang tone-toneladang mga isda sa kanilang ilog.

Ayon sa kanila, ito ay dahil sa kemikal na inilalabas ng dalawang pabrika sa lugar.

Ikinabahala rin ito ng mga may-ari ng mga palaisdaan dahil baka madamay ang kanilang kabuhayan.


Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang lokal na pamahalaan sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at sa Department of Environment and Natural Resources para masolusyunan ang problemang ito.

Facebook Comments