Friday, September 18, 2026

Mabigat na daloy ng trapiko sa Quezon City China Town sa Banawi, asahan bukas dahil sa pagdiriwang ng Quezon City Chinatown Mid-Autumn Mooncake Festival

Nag-abiso na ang Quezon City Government kaugnay ng posibleng pagbagal ng daloy ng mga sasakyan sa paligid ng Quezon City China Town sa Banawi sa Sabado, Sept. 19 simula ala-sais ng umaga dahil sa pagdiriwang ng Quezon City Chinatown Mid-Autumn Mooncake Festival.

Kabilang sa mga kalsadang posibleng maapektuhan ng aktubidad ay ang Banawi Street, Del Monte Avenue, Sgt. Rivera, G. Araneta, at NS Amoranto Street.

Sa kabilang banda, magkakaroon naman ng road closures sa intersection ng Banawi Cor. Del Monte, Banawi Cor. Sta. Rosa, Banawi Cor. Makataring, Banawi Cor. Mauban, G. Roxas Cor. Igdalig, at G. Roxas Cor. Biak na Bato.

Samantala, pinapayuhan naman ang mga motorista na planuhin ng maaga ang biyahe para maiwasang maipit sa matinding trapiko; habang tiniyak naman ng Quezon City Government na nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department, Department of Public Order and Safety, Task Force Disiplina, at Quezon City Police District para sigur

Facebook Comments