Umabot sa 294 na bag ng dugo ang nakolekta sa isinagawang Mobile Blood Donation sa bahagi ng Tagudin sa Ilocos Sur. Ang naturang Mobile Blood Donation ay mula sa pangunguna ng lokal na pamahalaan.
Isinasagawa nila ito apat na beses sa Isang taon upang makatulong na madagdagan ang suplay ng dugo para sa mga nangangailangan.
Nagpasalamat naman ang LGU sa mga boluntaryong blood donors sa kanilang partisipasyon sa aktibidad upang makatulong sa mga pasyenteng mangangailangan ng dugo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments