Paglilinis ng mga pangunahing ilog sa bansa, target tapusin bago ang ASEAN 2026

Target ng pamahalaan na matapos ang mga paglilinis sa mga pangunahing ilog sa bansa, tulad ng Pasig River bago ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa susunod na taon.

Isa ito sa masusing pinaghahandaan ng Pilipinas bilang host ng ASEAN.

Sa Special Address sa World Governments Summit sa Dubai, inilahad ng Unang Ginang ang ginagawang pagsisikap ng gobyerno na muling buhayin ang mga ilog na nais nilang ipantay sa ilang kilalang ilog sa ibang mga bansa.


Ilan dito ay ang Chao Praya sa Bangkok, Thailand at ang Siao River sa Paris.

May mga improvement na aniyang nagawa sa naturang proyekto at sa katunayan ay may esplanade nang naitayo sa Ilog Pasig.

Dito ay pwede nang mamasyal, makapag-bike ang mga tao, at nagkakaroon na rin ng komersiyo.

Facebook Comments