Tuesday, August 4, 2026

DOJ, walang impormasyon kung naaresto na si Sen. Dela Rosa

Wala pang impormasyon ang Department of Justice (DOJ) kaugnay sa umano’y pagkaka-aresto kay Sen. Bato dela Rosa.

Ito ay matapos umugong ang mga bali-balita na nadakip na umano ang senador na itinuturing ngayong pugante dahil sa arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, wala pa silang natatanggap na impormasyon tungkol dito.

Sa ngayon, ilang buwan nang hindi nagpapakita sa publiko si Dela Rosa matapos itong tumakas mula sa kustodiya ng Senado noong Mayo.

Ayon sa ICC, si Dela Rosa na dating hepe ng Philippine National Police (PNP) ay co-pepetrator o kasabwat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kinakaharap nitong kasong crimes against humanity dahil sa ipinatupad noong kampanya kontra iligal na droga ng nakaraang administrasyon.

Facebook Comments