
Naghahanda na Ng Department of Energy (DOE) para sa paglulunsad nila ng Green Energy Auction (GEA) para sa mga off-grid island communities sa pamamagitan ng National Power Corporation (NAPOCOR).
Layon ng naturang inisyatiba na palitan ang paggamit ng mas mahal na diesel generation ng renewable energy at battery storage systems, pinaganda g energy security sa mga island communities at mapababa ang Universal Charge for Missionary Electrification (UCME) na binabayaran ng electricity consumers nationwide.
Sinabi ni DoE Undersecretary Rowena Cristina L. Guevara, mahalaga itong proyekto para maibsan ng mga consumers ang financial burden ng sa pamamagitan ng UCME mechanism.
Mas mapapatatag din aniya ang suplay ng kuryente sa bagong programa ng Energy department.
Karamihan kasi aniya sa mga off-grid islands ay umaasa pa rin sa diesel-fired generation kayat mataas ang electricity production dahil sa pabago-bagong presyo ng petrolyo.
Ang average true cost ng generation sa naturang mga lugar ay pumapalo sa P18 kada kilowatt-hour habang ang generation costs sa malalayong isla ay umaabot pa sa P62 kada kilowatt-hour dahil sa mataas na transporting fuel cost.
Sa ngayon, isinasapinal pa ng DOE ang listahan ng mga islang eligible sa programa at ang auction parameters sa GEA na inaasahang ipatutupad sa susunod na taon.










