
Hinikayat ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag sina dating Rep. Jing Paras at Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste.
Ito’y para tumalima sa imbitasyon ng ahensya para bigyang-linaw ang umano’y tangkang pag-frame up o honey trap laban kay Executive Secretary Ralph Recto.
Ayon kay Director Matibag, kung alam umano ni Leviste na wala siyang kasalanan at komportable siya sa bureau ay haharap ito sa subpoena ng ahensiya.
Giit ni Matibag, kung talagang wala siyang ginawang masama ay mismong sa bureau niya gagawin ang kanyang sinumpaang salaysay para tindigan ito saan man mapunta.
Matatandaang nabanggit ang pangalan ng dalawa kasunod ng operasyon laban sa isang human trafficking.
Natakot umano ang isang naarestong bugaw at bigla na lang sinabi na baka sila ay ginigipit dahil sa pinagagawa laban kay Recto.
Sa limang babae na kasama, isa ang nagsabi na kasama siya sa kinakausap ng grupo ni Paras, at mismong si Paras naman mismo ang nagbanggit sa pangalan ni Leviste.
Samantala, sinagot din nito ang inilabas na social media post ni Rep. Leandro Leviste na napag-utusan lamang ito.
Aniya “accidental” lang ang pagkakadiskubre ng mga ahente NBI ang diumano’y tangkang pambubugaw ng mga female talents kay Executive Secretary Ralph Recto ng grupo diumano ni former Bataan Congressman Jacinto ‘Jing’ Paras at Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste upang hiyain ang opisyal ng Malacanang sa publiko.
Una nang sinabi ng ahensya na lumilitaw sa paunang imbestigasyon ng NBI na labanan sa pulitika sa Batangas ang posibleng motibo sa tangkang paninira kay Recto diumano ni Leviste.










