Nilinaw ni Senate President Sherwin Gatchalian na Sandiganbayan ang magdedesisyon kung papayagan sina Sen. Rodante Marcoleta at Sen. Jinggoy Estrada na dumalo at makalahok sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sina Marcoleta at Estrada ay kapwa nakakulong ngayon sa Quezon City Jail dahil nahaharap sa kasong plunder na parehong non-bailable.
Ayon kay Gatchalian, nasa kustodiya ng Sandiganbayan ang dalawang senador at sila ang dapat na direktang humingi ng permiso sa korte.
Paliwanag pa ng Senate president, ang korte rin ang magdedesisyon kung mayroong justification o sapat na dahilan para payagan sina Marcoleta at Estrada na dumalo ng sesyon o paglilitis.
Si Estrada ay kinasuhan ng plunder dahil sa kanyang pagkakasangkot sa maanomalyang flood control projects habang si Marcoleta naman ay kaugnay sa pagtanggap nito ng P75 million campaign donation para sa 2025 elections na hindi nito idineklara sa kaniyang Statement of Contirbution and Expenditures (SOCE).










