Tuesday, July 28, 2026

Zero Income Tax para sa middle class, hindi sapat

Hindi sapat para sa Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang isinulong ni President Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address so SONA na maitaas hanggang sa P350,000 mula sa kasalukuyang P250,000 ang halaga ng kabuuang sweldo sa loob ng isang taon na exempted sa buwis.

Giit ni TUCP Party-list Representative and House Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza dapat ding alisin ang 12% value added tax o VAT sa kuryente bukod sa pagtnggal ng system loss at pagtibayin na rin ang panukalang ₱200 legislated wage hike.

Bunsod nito ay nananawagan din si Mendoza kay Pangulong Marcos na sertipikahang urgent ang House Bill No. 8860 o panukalang Patas na Ambag sa Tax para sa Angat-Sahod (PATAS) Act.

Sa ilalim ng panukala, ang lahat ng kumikita ng ₱50,000 pababa kada buwan ay hindi na bubuwisan at ang bawat pisong pinaghirapan sa overtime, puyatan, at trabaho sa holiday ay buo nang maiuuwi sa pamilya.

Diin ni Mendoza, ito ang tunay na patas na pagbawas sa buwis sa manggagawa para madagdagan ang maiuuwi nila sa kanilang pamilya na makakadagdag din sa sigla ng ekonomiya.

Facebook Comments