
Para kay House Assistant Majority Leader at Lanao Del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, ang paglilibot ni Vice President Sara Duterte sa iba’t ibang lugar at mga bansa ay bahagi na ng kanyang pangangampanya para sa 2028 presidential elections.
Ipinunto ni Adiong na sa halip humarap sa impeachment trial at sagutin ang mga alegasyon sa kanya ay mas pinipili ni VP Sara na palakasin ang suporta sa kanya para sa kanyang ambisyon na maging susunod na pangulo ng Pilipinas.
Tiwala naman si Adiong na sa pamamagitan ng impeachment trial ay makikita ng mamamayang Pilipino kung karapat-dapat si Duterte na maging susunod na pinuno ng ating bansa.
Facebook Comments










