50 KATUDAY SEEDLINGS, ITINANIM NG MGA BARANGAY NUTRITION SCHOLARS SA INFANTA

Limampung Katuday seedlings ang itinanim ng mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) sa Sitio Babanga, Barangay Bamban, Infanta, Pangasinan bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-52 Nutrition Month.

Itinanim ang mga punla sa landfill area at sa mga bahaging kulang o walang puno para makatulong sa rehabilitasyon ng mga bakanteng lupain.

‎Ayon sa ulat, adbokasiya ng aktibidad ang pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng wastong nutrisyon dahil mataas umano sa nutritional value ang Katuday at maaaring magsilbing karagdagang mapagkukunan ng masustansiyang pagkain.

Naging katuwang sa naturang tree-planting activity ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa koordinasyon ng pagsasagawa ng programa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments