Monday, June 1, 2026

Focus crimes, bumaba ng 25.77% nitong Mayo — PNP

Patuloy ang naging pagbaba ng focus crimes nitong buong buwan ng Mayo sa bansa ayon ito sa Philippine National Police (PNP).

Sa pulong balitaan na ginanap sa Kampo Krame, sinabi ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., na nasa 2,149 na kaso ang naitala nitong May 1 hanggang 31.

Kung saan mas mababa ito ng 746 na mga kaso o katumbas ng 25.77% kumpara noong nakaraang taon sa kapareho nitong buwan.

Ang focus crimes ay kinabibilangan ng theft, robbery, rape, murder, homicide, physical injury at carnapping of motorcycles and motor vehicles.

Ayon pa kay Nartatez, ang pagbaba ng krimen ay dahil na rin sa pinaigting na police operations at sa presensya ng mga kapulisan.

Tiniyak naman ng PNP na patuloy ang koordinasyon nite sa mga lokal na pamahalaan at sa pagpapatupad ng mga hakbang pang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa bawat komunidad.

Facebook Comments