FREE FARE AT GAS SUBSIDY PARA SA KABATAANG MANGGAGAWA SA BARANGAY LONGOS, CALASIAO, INILUNSAD

Maglulunsad ng “Free Fare and Gas Subsidy Program” para sa mga kabataang manggagawa sa Barangay Longos, Calasiao sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at iba pang gastusin.

Nag umpisa ang aplikasyon noong tanghali ng Miyerkules, sa pamamagitan ng online form, para sa mga manggagawang may edad 18 hanggang 30 taong gulang.

Ipinatupad naman ang first come first served basis para sa 150 aplikante.

Kabilang sa mga kinakailangang dokumento ang valid ID, proof of employment, at certificate of indigency.

Ayon sa mga opisyal ng barangay, ang programa ay mula sa kaban ng bayan at ibinabalik sa pamamagitan ng mga programang may direktang benepisyo para sa kabataan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments