Muling ipinakita ng mga kabataan ng Lingayen ang kanilang malasakit sa kalikasan sa isinagawang coastal clean-up drive sa Lingayen Beachfront, bilang bahagi ng Year 3 ng Lingayen Youth for Clean and Green Movement.
Nakolekta ang iba’t ibang uri ng basura sa dalampasigan, mula sa plastik hanggang sa iba pang solid waste na maaaring makasira sa yamang-dagat.
Layunin ng programa na mapanatili ang kalinisan ng baybayin at mapalakas ang kamalayan ng komunidad sa pangangalaga ng kalikasan.
Pinangunahan ang aktibidad ng Young Environmental Advocates of Lingayen (YEAL) katuwang ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at Local Youth Development Office (LYDO).
Nakiisa rin ang iba’t ibang youth organizations at sektor, kabilang ang mga miyembro ng local youth at civil society organizations.
Patunay ang aktibidad sa aktibong malasakit ng mga kabataang Lingayen sa kalikasan at manguna sa ganitong klase ng inisyatibo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










