
Ipinaaaresto na ng korte at ang ilang indibidwal na sangkot sa insidente noong May 1 o Labor Day.
Ayon kay Manila Police District (MPD) Spokesperson Police Major Philipp Ines, inilabas ng Metropolitan Trial Court Branch 28 noong July 30 ang warrant laban kina Joseph Malari, Kilusang Mayo Uno Chairperson Jerome Adonis at Jacq Ruiz ng Kilusan ng Kababaihan.
Kasong paglabag sa Article 153 ng Revised Penal Code o tumults and other disturbances of public order ang kinakaharap ng mga ito matapos umanong magkagulo at atakehin ang isang pulis.
Samantala, nagpapatuloy naman ang pagdinig sa hiwalay na kaso ng illegal assembly laban sa iba pang indibidwal kabilang sina Renato Reyes ng grupong BAYAN, Raymond Palatino at Piston National President Ka Mody Floranda.










