Monday, September 14, 2026

PBBM, naniniwalang puntirya siya ng galit ni VP Sara; pero ang Pangulo, walang balak patulan ang Bise Presidente

Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sa kanya ibinabaling ni Vice President Sara Duterte ang galit nito dahil sa mga problemang kinakaharap ng Bise Presidente.

Ito ay matapos ang sunod-sunod na batikos ni Duterte laban sa Pangulo, kabilang ang panawagang magbitiw ito sa puwesto, pagtawag dito na walang utang na loob at paratang na gumagamit ng ilegal na droga.

Sinabi ni Marcos na batid niya ang mga pahayag ng Bise Presidente, ngunit wala siyang balak na patulan ang mga ito.

Ayon sa Pangulo, tila galit si Duterte sa mga nangyayari sa kanya at siya ang naging pangunahing puntirya nito.

Sa kabila nito, sinabi ni Marcos na hindi niya mapipilit ang sinuman na mahalin siya.

Facebook Comments