
Sumasailalim na sa pagsusuri ng Department of Justice (DOJ) ang hiling ng National Bureau of Investigation na isailalim said Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) sina Batangas Rep. Leandro Leviste at ilan pang sinampahan nila ng reklamo.
Ito ay kaugnay sa honeytrap scheme o bugaw modus laban kay Executive Secretary (ES) Ralph Recto kung saan dawit sina Leviste, dating Congressman Jing Paras at ilan pang indibidwal.
Ayon kay DOJ Sectetary Eric Vida, natanggap na nila ang request at sumasailalim na ito ngayon sa evaluation.
Nanindigan ang kalihim na kailangan munang pag-aralan ang basehan at ang mga dokumento.
Noong Agosto nang umalis ng bansa si Leviste na posibleng nananatili naman ngayon sa France ayon sa NBI.
Facebook Comments










