
Inihain ni Senator Loren Legarda ang panukalang batas na naglalayong ilibre ng gobyerno sa matrikula ang mga kawani na kukuha ng master’s degree.
Ginawa ng senadora ang paghahain ng panukala sa kabila ng naka-medical leave ito.
Sa Senate Bill 2099, magiging libre ang pagkuha ng master’s degree ng kawani ng pamahalaan sa alinmang state university o college.
Ipinunto ni Legarda na marami mula sa mahigit 2.25 million na nagtatrabaho sa gobyerno ang gustong mag aral pa at palawakin ang kakayahan pero hindi Ito magawa dahil sa laki ng gastos.
Para sa senadora, makatwirang tustusan ito ng gobyerno lalo na kung makakatulong ito para sa pagpapahusay at pagpapabilis ng kanilang serbisyo.
Ilan pang panukalang batas ni Legarda ang naunang naihain na rin sa mataas na kapulungan na para rin sa pagpapahusay ng mga nagtatrabaho sa gobyerno.










