Pagsasagawa ng BARMM Elections sa Mayo, iginiit ng isang kongresista

Mariing kinontra ni Deputy Minority Leader at Basilan Rep. Mujiv Hataman ang Bicameral Conference Committee report ukol sa pagpapaliban ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Elections.

Base sa panukalang batas na inaprubahan sa bicam, i-uurong sa October 13, 2025 ang BARMM Elections na nakatakdang ganapin sa darating na May 12, 2025.

Punto ni Hataman, magreresulta ito sa pag-ikli ng term of office ng mga mahahalal sa October 2025 sa halip na mabuo ang three-year term nila hanggang June 30, 2028 na syang itinatakda ng Saligang Batas.


Giit pa ni Hataman, dapat ipagkaloob sa mga mamamayan ng BARMM ang kanilang karapatang bumoto at pumili ng kanilang mga magiging pinuno na isang mahalagang proseso sa ating demokrasya.

Facebook Comments