
Nanatiling “on track “ ang pagsasampa sa linggong ito ng kasong plunder laban kay Senador Rodante Marcoleta.
Ito ang sinabi ni Assistant Ombudsman Mico Clavano sa kabila ng tuloy-tuloy na kilos-protesta ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) bilang pagpapakita ng pagsuporta kay Marcoleta na napipintong makulong nang walang kaukulang piyansa.
Sa pahayag ni Marcoleta na gusto siyang ipakulong ng Ombudsman upang hindi siya makalahok sa impeachment trial ni VP Sara Duterte,sinabi ni Clavano na di nila trabahong magpakulong dahil nasa pagtimbang na Sandiganbayan ang kaso ng Senador.
Ipinaliwanag ni Clavano ang naging basehan sa paghahain ng kasong plunder laban kay Sen. Rodante Marcoleta.
Aniya, ito ay ibinatay nila sa mga probisyon ng batas na nagpaparusa sa kumulasyon ng ill-gotten wealth mula sa direkta o hindi direktang pagtanggap ng regalo maging sa mga pribadong indibidwal.










