Thursday, July 2, 2026

Dalawang illegal recruiters na nag-aalok ng trabaho papuntang Poland, arestado ng DMW

Arestado ng mga awtoridad ang dalawang suspek sa large-scale illegal recruitment sa Cagayan.

Ang mga suspek na isang babae at isang lalaki ay unang kinasuhan ng Department of Migrant Workers (DMW).

Nadakip ang dalawa matapos magpalabas ng warrant of arrest ang Regional Trial Court Branch 6 Aparri, Cagayan kaugnay ng kasong large-scale illegal recruitment.

Batay sa imbestigasyon ng Migrant Workers Protection Bureau ng DMW, nanghihikayat ang mga suspek ng mga aplikante sa pamamagitan ng pag-aalok ng trabaho bilang factory worker o repacker sa Poland na may ipinapangakong buwanang sahod na aabot sa P120,000.

Kapalit nito, sinisingil nila ang bawat aplikante ng processing fee na nagkakahalaga ng P250,000.

Patuloy naman na pinaghahanap ng pulisya ang tatlo pang mga kasabwat ng suspek.

Facebook Comments