May ari ng Tiktok account na nagbanta sa buhay ni dating Sen. Bongbong Marcos, tukoy na ng PNP

Natukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakakilanlan ng may ari ng Tiktok account na nagbanta sa buhay ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ang kinumpirma ni PNP Chief Police General Dionardo Carlos ngunit hindi nito isinapubliko ang pangalan ng may ari ng account.

Sa ngayon aniya nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.


Nagsasagawa pa rin aniya ang PNP ng digital trail para sa pagsasampa ng kaso at para sa warrant of arrest.

Samantala, sinabi naman ni Carlos na bukod kay Marcos ay wala pa silang reklamo na natataggap mula sa ibang kandidato na may death threat.

Facebook Comments