Patuloy na mino-monitor ng Municipal Environment and Natural Resources Office o MENRO ng Calasiao, Pangasinan, ang Pamilihang Bayan at iba pang mga establisimyento upang matiyak ang pagsunod sa umiiral na Plastic Ordinance sa nasabing bayan.
Layunin ng monitoring na mabawasan ang paggamit ng mga ipinagbabawal na plastic bag at styrofoam, kasabay ng paghikayat sa publiko na gumamit ng mga alternatibong lalagyan na hindi nakapipinsala sa kapaligiran.
Patuloy ring pinapaalalahanan ng mga kawani ng MENRO ang mga negosyante, mamimili, at iba pang mamamayan na makipagtulungan at sumunod sa nasabing ordinansa.
Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagbabantay at pakikiisa ng publiko, layon ng lokal na pamahalaan na mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran at maisulong ang isang mas malinis at luntiang Calasiao. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






