Pagtaas ng COVID-19 cases sa mga pribadong ospital, hindi pa masyadong ramdam

110

Hindi pa gaanong ramdam ang pagtaas ng COVID patient admission sa mga pribadong ospital.

Ito ay kasunod nang naobserbahang bahagyang pagtaas ng COVID cases sa ilang mga pagamutan.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Private Hospital Association of the Philippines o PHAPi President Dr. Jose Rene De Grano na sa ngayon, talagang kaunti lamang ang nakita nilang itinaas ng kaso ng admission sa mga private hospital sa bansa.


Hanggang sa ngayon kasi, manageable pa rin ang bilang ng mga na-a-admit na positive patient sa kanilang mga pagamutan.

Dahil dito, hindi aniya sila masyadong nababahala lalo na’t karamihan sa mga ito ang asymptomatic at mild cases lamang.

Facebook Comments