Pagtaas ng kaso ng dengue sa Western Visayas binabantayan ng DOH

117

Patuloy na mino-monitor ng Department of Health o DOH ang naitalang pagtaas ng kaso ng dengue sa 77 barangay sa Western Visayas.

Ayon sa DOH, nangunguna ang 45 na mga barangay sa Negros Occidental na may 657 na kaso kung saan lima ang nasawi na sinundan ng Antique na may 400 at Bacolod na may 139 na kaso, habang may mga naitala ring kaso sa ilang barangay sa Antique, Capiz, Iloilo City at Aklan.

Nilinaw naman ng DOH na bagama’t tumataas ang dengue cases sa Western Visayas ay hindi pa naman nito naaabot ang ‘alert level threshold’.


Facebook Comments