Pagtanggal ng DA sa MSRP sa baboy, katanggap-tanggap sa grupong SINAG

Welcome sa Samahang Industriya ng Agricultural (SINAG) ang pasya ng Department of Agriculture (DA) na pansamantalang alisin ang maximum suggested retail price (MSRP) sa baboy.

Ayon kay Jayson Cainglet, executive director ng SINAG, makabubuti ang hakbang upang matukoy kung bakit mababa ang compliance rate sa parte ng retailers.

Sa pamamagitan aniya nito ay maililinaw ng DA kung saang yugto sa value chain ang dahilan kung bakit hindi nakasusunod ang mga nagtitinda sa mga pamilihan.

Aniya, mainam na makahanap ang DA ng ibang mechanisms upang maresolba ang disconnect sa farmgate price at sa retail prices.

Giit ng SINAG, nakasusunod naman ang hograisers sa P230 per kilo na farmgate, price sa kabila na palugi rin ang kanilang bentahan.

Facebook Comments