
Kinalampag ni Senator Koko Pimentel ang Commission on Elections (Comelec) na madaliin na ang pagbaba ng desisyon tungkol sa disqualification case laban kay Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro.
Sina Pimentel at Teodoro ay magkatunggali sa pagiging kinatawan sa Unang Distrito ng Marikina City.
Sinabi ni Pimentel na pinaglaruan ni Teodoro ang hinihinging requirement ng Konstitusyon para sa pagtakbo sa public office.
Tinukoy ng senador na hindi eligible si Teodoro na kumandidato sa pagka-kongresista salig sa naunang rule ng Comelec noong December 11, 2024 kung saan kinakansela ang certificate of candidacy (COC) nito bunsod na rin sa isyu ng residency nito.
Batay sa desisyon ng komisyon, na-establish na nakatira si Teodoro sa Barangay Tumana ng 2nd district ng Marikina bago ang paghahain nito ng COC at bigo ang alkalde na matupad ang requirement na one-year residency sa Unang Distrito ng Marikina kung saan ito kumandidato bilang kongresista.
Base sa partial and unofficial result ng botohan, nangunguna si Teodoro laban kay Pimentel sa Congressional race ng 1st District ng Marikina.