
Lumalakas ang paniniwala ni Senator Risa Hontiveros na base sa mga kasinungalingan ang mga iprinisinta ni Li Duan Wang o Mark Ong sa Kongreso matapos aprubahan ang Filipino citizenship nito.
Kaugnay ito sa pagtanggi ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) na aktibong miyembro ng organisasyon si Wang taliwas sa unang pagdepensa rito ng ilang senador.
Ayon kay Hontiveros, nagpapasalamat siya sa grupo ng Filipino-Chinese business community sa paglabas ng katotohanan na hindi nila miyembro si Wang.
Sinabi ng mambabatas na kung ganitong mga impormasyon ang nakakarating sa mga senador, lumalabas na base sa mga kasinungalingan at sikreto ang paggawad ng Filipino citizenship kay Wang.
Iginiit pa ng senadora na ang “misrepresentation” o pagsisinungaling ay sapat na ground na para bawiin ang naturalization ng Chinese national at hindi siya karapat-dapat na tawaging isang Pilipino.