
Ipinag-utos ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr., ang paghahain ng patong-patong na administrative, criminal, at civil case laban sa dalawang dating superintendent at limang tauhan ng Correctional Institution for Women (CIW).
Nag-ugat ang kaso kasunod ng natuklasang anomalya at hindi maipaliwanag na paggalaw sa mahigit ₱5.1 milyong trust fund na nakalaan para sa mga persons deprived of liberty (PDL).
Kabilang sa mga ipinag-utos na sampahan ng kaso sina dating C/SSupt. Daisy Sevilla-Castillote, CT/SSupt. Marjorie Ann Sanidad, pati na sina CO2 Bianca Flor Ramos, CO1 Maryrose Abucay, CO1 Madel Figuerres, CO1 Gloria Lakisa, at CO1 Charlot Jennifer Carreon.
Tiniyak ng pamunuan ng BuCor na hindi nila palalampasin ang anumang uri ng katiwalian sa loob ng mga pasilidad ng bilangguan at mananagot ang sinumang napatunayang umaabuso sa pondo ng mga PDL.










