
Inaresto ng San Juan City Police ang apat na nagpakilalang miyembro ng Maleta Boys ni dating Representative Elizaldy Co na una nang nag-atras ng kanilang testimonya sa flood control scandal.
Arestado ang apat bago mag-tanghali sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 93 habang humaharap sa kanilang arraignment sa isang hiwalay na kaso sa San Juan City Hall of Justice.
Kasalukuyan na silang nasa kustodiya ng San Juan City Police Station at hindi pa nakapaglalagak ng piyansang nagkakahalaga ng ₱10,000 bawat isa para sa nasabing kaso.
Matatandaang patung-patong na kasong cyberlibel at perjury ang isinampa ng Department of Justice (DOJ) sa apat sa magkakahiwalay na korte sa Metro Manila.
Facebook Comments










