Pahayag ni Senate Majority Leader Francis ‘TOL’ Tolentino sa ilegal na okupasyon ng China Coast Guard sa Sandy Cay

Mariin kong kinokondena ang iligal na pag-agaw ng China Coast Guard sa Sandy Cay 1 – isang malinaw na paglapastangan sa sobreranya ng Pilipinas. Ang Sandy Cay ay nasa loob ng ating teritoryal na karagatan – walang dudang bahagi ng ating bansa ayon sa batas internasyonal.

Hindi natin dapat palampasin ang ganitong pang-aabuso. Kailangan nating maghahain ng pinakamalakas na diplomatikong protesta at palakasin ang ating depensa sa West Philippine Sea. Hindi natin pababayaan na yurakan ang ating karapatan at dangal bilang isang malayang bayan.

Facebook Comments