
Nakabalik na sa bansa mula sa Roma, si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at First Lady Liza Araneta Marcos matapos dumalo sa libing ni Pope Francis nitong Sabado.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang personal niyang pagpunta sa Vatican ay bilang pagtanaw ng taos-pusong paggalang — mula sa Pilipinas na isang bansang may matatag sa pananampalataya.
Sabi ng pangulo, kinatawan niya hindi lamang ang pamahalaan kundi maging ang bawat Pilipino na binigyan ng pag-asa at nagpapasalamat sa Santo Papa.
Nakasama ni Pangulong Marcos ang higit 200,000 nagdalamhati sa pagpanaw ni Pope Francis at ang 170 world leaders.
Facebook Comments