PDL NA TOP 2 MOST WANTED SA ISABELA,MULING NASILBIHAN NG WARRANT OF ARREST

20
Cauayan City, Isabela- Nadagdagan pa ang kasong kinakaharap ng itinuturing na Top 2 Most Wanted Person sa Lalawigan ng Isabela matapos itong silbihan ng isa pang warrant of arrest.

Pasado alas-12:00 kaninang tanghali Abril 12, 2022 ng muling silbihan ng mga otoridad ng warrant of arrest ang akusado na si Patricio Gapultos, 67 taong gulang, may asawa, at residente ng Brgy. San Francisco, Cauayan City, Isabela.

Si Gapultos ay kasalukuyang nakakulong sa Cauayan City District Jail dahil sa kasong rape o panggagahasa kung saan doon rin isinilbi ang kanyang warrant of arrest sa parehong kaso na inisyu ni Judge Ariel Palce ng RTC Branch 20 Cauayan City, Isabela.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa panandaliang kalayaan ni Gapultos.

Facebook Comments