Tulak ng Droga na nasa Target List ng PNP at PDEA RO2, Arestado sa Santiago City

Cauayan City, Isabela- Timbog ang isang tulak ng droga na kabilang listahan ng PDEA at PNP sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Buenavista, Santiago City.

Nagsanib-pwersa ang mga tauhan ng PDEA Region II, Quirino PO, Regional Drug Enforcement Unit, PDEG SOU2, at SDEU Police Station 1 para ilatag ang naturang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na kinilalang si Christopher Gamit, 39 taong gulang, may-asawa, negosyante, at residente ng Molave Homes Subdivision, Patul, Santiago City.

Sa naturang buy-bust operation, positibong nabentahan ng suspek ang isang poseur buyer ng isang (1) piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu kapalit ang halagang Php5,000.00.

Nakuha mula sa pag-iingat ng suspek ang tatlong (3) sachet ng pinaniniwalaang shabu, isang (1) unit ng cellphone, ang ginamit na buy-bust money at isang motorsiklo na walang plaka.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek maging ang mga nakumpiskang items para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Facebook Comments