Pamilya ng mga nawawalang sabungero, itinuturing na bayani ng kanilang mga kamag-anak

Kinokonsidera ng pamilya ng mga nawawalang sabungero na bayani ang kanilang mga kamag-anak.

Ayon kay Charlene Lasco, kapatid ng nawawalang sabungero na si John John Lasco, ito’y dahil sa naturang insidente, pinatigil ang operasyon ng online sabong sa bansa.

Aniya, kung hindi natigil ang operasyon ng nasabing sugal ay tiyak na marami pa ang malululong rito.


Una nang ibinunyag ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., na maging ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa abroad ay na aadik na rin sa e-sabong kahit na ipinatigil na ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon nito.

Aminado din ang Pambansang Pulisya na mayroon pang operasyon ng e-sabong sa bansa kung kaya’t puspusan ang panghuhuli dito ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Facebook Comments