Thursday, August 20, 2026

Bilang ng evacuees sa Quezon City, bumaba na

Naitala ng Quezon City Government ang 1, 655 na pamilya o katumbas ng 5, 342 indibidwal na pansamantalang nanunuluyan sa 33 evacuation centers sa lungsod dahil sa ilang araw na sama ng panahon.

Pinakamaraming evacuees ang nasa Dr. Josefina Jara Martinez High School na nasa 563 indibidwal, base sa pinakahuling talaan ng pamahalaang lungsod.

Sinundan naman ito ng Victory Covered Court ng Barangay Tatalon na may evacuees na 438 indibwal at ng Roxas Gymnasium sa Baranagay Roxas na may 356 evacuees.

Mas mababa na ang nasabing datos, kumpara sa bilang ng mga evacuees noong mga nakaraang araw na umabot sa mahigit sampung libong evacuees.

Facebook Comments