PAMUNUAN NG BRGY. MINANTE 2, PINAG-IINGAT ANG MGA RESIDENTE SA MGA KAWATAN

Cauayan City – Nagpaalala ang pamunuan ng Brgy. Minante 2, Cauayan City sa mga residente laban sa banta ng mga kawatan.

Sa eksklusibong panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kapitan Saturnino Aggarao, sinabi nito na kamakailan lamang ay nagkaroon sila ng pagpupulong kasama ang PNP Cauayan upang pag-usapan ang ilang kaso ng pagnanakaw ng baterya sa lungsod.

Dahil dito, mas pinaigting umano nila ang ginagawang pagbabantay sa lugar partikular na tuwing gabi lalo pa’t ilang insidente na rin ng pagnanakaw ang naitala sa kanilang barangay.


Ayon sa kapitan, nito lamang buwan ng Enero ay mayroon silang nahuling motorsiklo na naglalaman ng palay habang sila ay nagroronda, at hinihinala nilang posibleng ninakaw ito kaya naman kanila itong ipinasakamay sa kapulisan.

Sa ngayon, mahigpit nilang binabantayan ang loobang bahagi ng kanilang lugar dahil ito ang madalas na puntiryahin ng mga kawatan.

Facebook Comments